Bata pa lang si Sharon Cuneta ay nag-fan girling na ito. This, she admitted sa interview niya kay Vice Ganda sa Gandang Gabi, Vice.
“Si Ate Vi (Vilma Santos) noong bata ako tapos Hilda Koronel and si ate LT (Lorna Tolentino), hindi ko pa sila kilala. Siyempre si Ate Guy (Nora Aunor) pero parang mas…si Ate Vi naging kapitbahay ko, eh, for a while.
“So I met her, I hadn’t met Ate Guy so mas naging maka-Ate Vi talaga ako saka Hilda Koronel and ate LT,” kuwento ni Sharon when asked kung sino ang mga unang inidolo niya.
Since neighbor nila si Vilma, sinabi ni Sharon na, “Dinadalhan ko pa siya ng prutas kahit ‘di n’ya ako kilala.”
“Minsan, inimbita namin siya, kumaway akong gano’n, ewan ko kung namukhaan niya ako. Ang liit ko pa noon, grade school pa ako. Eh si mommy nandoon, so umakyat siya, si mommy thrilled na thrilled.
Pinainom namin siya ng water, ice water. She was very gracious. Humingi lang ako ng autograph tapos umalis na siya.
“Saka alam mo, ‘yung bakod nila mababa eh, ang liit-liit ko. ‘Yung bakod nila nandoon ang swimming pool niya. Nakaganyan ako. Ang ganda-ganda niya talaga, naka-bathing suit, ang kinis-kinis,” kuwento ng Megastar.