Ruru walang balak layasan ang GMA: This is my family

RURU MADRID

Pitong taon nang Kapuso talent si Ruru Madrid at nitong nakaraang mga araw eh muli siyang nag-renew ng kontrata. Para sa Kapuso hottie second home na niya ang Kapuso network.

“This is my family. I’m very thankful na grabe ‘yung tiwala na binigay sa ‘kin ng network dahil from the very start of my career, sila na ‘yung unang naniwala.

“I was so thin, wala akong talent at all, I don’t know how to sing, I don’t even know how to dance or act pero nag-trust pa rin sila sa Akin.

“Bilang ganti na lang din sa kanila sa tiwalang binibigay nila, every time na may ginagawa akong projects, sobrang pinagbubuti ko at ginagawa ko talaga everything. I’m very passionate about this,” ani Ruru.

Ngayong Sabado todo drama si Ruru sa episode ng Magpakailanman. Muli niyang ipamamalas sa buong mundo ang kanyang galing sa pag-arte.

Next month, mapapanood siya sa big screen sa unang pagkakataon sa pelikulang “Cara X Jagger” mula sa APT Entertainment at Cignal Entertainment. Makakatambal niya rito ang crush niyang si Jasmine Curtis.

Read more...