Inamin ng isa sa co-stars ni Alden Richards sa The Gift na si Mikee Quintos na may boyfriend na siya.
Non-showbiz daw ang guy at isang Chinese, last week lang daw niya ito sinagot.
“Same circle of friends. High school friend ko, college friend niya, but we know each other na,” lahad ng aktres.
“Happy naman and I just want to take things slow. Ayoko na muna ng all-out. Gusto ko lang i-enjoy ang time with him at kung ano ang meron ngayon. Like, wala pa ako du’n sa level na ‘I love you forever.’
“Ayoko na. As in, ayoko na muna ng ganu’n!” sey ng dalaga. Nakakalaro rin daw sa Mobile Legends ni Alden ang kanyang boyfriend kapag nasa taping sila ng The Gift.
MOST READ
LATEST STORIES