‘The Gift’ papasukin na ang mundo ng bulag

ALDEN RICHARDS

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng The Gift, nabulag na nga ang karakter ni Alden Richards na si Sep, at dito na nga magsisimula ang pagbabago sa kanyang buhay. Magkaroon na ng “visions” ang binata, mga pangitain na nangyari na in the past o mga mangyayari in the future. Paano nga kaya haharapin ni Sep ang pagkakaroon ng kakayahang makita ang hindi nakikita ng pangkaraniwang tao?

Sa nakaraang panayam kay Alden, inamin niya na kakaibang challenge ang haharapin niya sa pagganap bilang si Sep at napakarami niyang realizations tungkol sa mga kababayan nating mga PWD, lalo na ang mga bulag.

“I was able to immerse sa isang institute dito sa Quezon City on how blind people are, what blind people go through every day. Iba kasi ‘yung you’re born blind than you’re sighted then became blind. That’s a different story.

“Mas mahirap ‘yung sighted ka tapos nabulag ka. Parang mas meron lang depression on the side ng dating nakikita mo ‘yung paligid mo, now it’s all black. Iba ‘yung depression noon. Iba ‘yung journey noon kasi parang may nawala sa sarili mo.

“But what I really like about what I did during my immersion there in the institute for the blind is nakita ko kung gaano sila ka-hopeful sa buhay. Parang ‘Kahit nabulag ako, I can still do something. May maiaambag pa rin ako sa society,'” paliwanag ni Alden sa panayam ng GMA.

Umaasa ang binata at ang buong production ng The Gift na makakalikha ng awareness ang kanilang serye at maka-inspire ng maraming Pinoy, “We live in a world talaga na there are people with disability, especially the blind people. We want to raise awareness as well. Gusto rin naming ipakita kung paano ‘yung tamang handling kapag first time naka-meet ng bulag.

“If you are with a relative or someone who’s close to you na may vision and then nawala due to sickness or due to an accident, meron din tayong maipapakita na mga tamang ways on how to handle that,” aniya pa.

Napapanood ang The Gift, mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad, sa direksyon ni LA Madridejos. Kasama rin dito sina Jean Garcia, Jo Berry, Thia Thomalla, Elizabeth Oropesa, Mikoy Morales, Mikee Quintos, Martin del Rosario, Rochelle Pangilinan at marami pang iba.

Read more...