Super typhoon papasok sa PAR

POSIBLENG maging super typhoon ang bagyong Hagibis habang papalapit ito sa Philippine Area of Responsibility.

Ngayong umaga ang bagyo ay nasa layong 2,420 kilometro sa silangan ng Gitnang Luzon, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Mayroon itong hangin na umaabot sa 200 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 245 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 30 kilometro patungong kanluran-hilagang kanluran.

Posibleng pumasok sa PAR ang bagyo sa Biyernes at tatawagin itong Perla. Hindi inaasahan na magla-landfall ang bagyo maliban na lang kung magbabago ang direksyon.

Read more...