ISANG malaking sorpresa ang handog ng ABS-CBN dahil sa unang pagkakataon makakatambal ni James Reid sa teleserye ang lead vocalist ng K-Pop group na Momoland -si Nancy Jewel Mcdonie. Ito ang The Soulmate Project mula sa Dreamscape Entertainment at Proj 8.
“I’m very excited, and also I’m very nervous. It’s my first time to come to the Philippines to do a project. I’ve never been in a big drama before, so I guess I can say it’s my first time,” sabi ng Korean star.
Sey naman ni James, “I have to be honest, I’m a little starstruck of course. I’m super excited to work with her. It’s my first time to work with an international artist. It will be the first of its kind in the Philippines,” sabi ng Kapamilya heartthrob.
Mag-uumpisa ang shooting ng serye sa 2020 at kukunan ang ilan sa mga eksena nito sa Pilipinas at South Korea sa direksyon ni Antoinette Jadaone.
Nakilala si Nancy bilang isa sa miyembro ng sikat na all-girl group na Momoland na nagpasikat sa kantang “Bboom Bboom” at “Bbam”.
Huli namang napanaood si James bilang judge ng Search for the Idol Philippines at kasalukuyang abala sa kanyang record label na Careless Manila, na nag-produce rin ng kanyang hit album na “Palm Dreams” na ni-release noong 2017.
Samantala, opisyal ng Kapamilya ang Momoland matapos magsanib-puwersa ang ABS-CBN at MLD Entertainment para mas lalo pang palakasin ang career ng Korean idols sa Pilipinas. Naganap ang contract signing ng dalawang kumpanya nitong weekend
Ayon kay ABS-CBN Head of TV Production Lauren Dyogi, isang karangalan na maging bahagi ang ABS-CBN ng international hit makers. Marami rin daw sorpresang handog ang Momoland sa kanilang Filipino fans na hindi dapat palampasin.
Nirerespeto naman ng Pinoy fans ni Nancy ang desisyon ni James na huwag nang gawan ng loveteam name ang tambalan nila ng Korean star. Sey ng boyfriend ni Nadine Lustre, “I’m honoured to be part of the new project ‘Soulmate’ on ABSCBN but please guys, no love team names. I’ve already got one #jadine,”
ABS-CBN mas pinalawak ang serbisyo ng KBO sa TVplus
Mas pinalawak ng ABS-CBN TVplus ang serbisyo ng KBO para sa mga subscriber nito: ngayon, maaari na silang mag-register sa KBO linggo-linggo sa lahat ng CLiQQ kiosks ng 7-Eleven nationwide, dahil sa partnership nito kasama ang Gate Distribution Enterprise, Inc.
Ayon sa TVplus Product Manager na si Adrianne Reyes-Ismael, “Dahil sa partnership na ‘to, mas dumami pa ang options ng ating KBO subscribers pagdating sa payment at registration; pwede na rin silang magbayad ng cash sa mga 7-Eleven branches.”
Para mag-register sa KBO, gamit ang CLiQQ kiosk, pumunta lamang sa pinakamalapit na 7-Eleven store at sundin ang sumusunod—i-click ang LOAD sa CLiQQ kiosk; piliin ang KBO, at pindutin ang KBO30; i-enter ang “airing date” (space) “TVplus Box ID”; pagkatapos, i-check at kumpirmahin ang naipasok na detalye; kunin ang CLiQQ order slip at pumunta sa counter para magbayad.
Kinumpirma naman ng 7-Eleven Loyalty at Services Manager na si Sydney Lau, na hindi magdadagdag ng bayad o service fee ang 7-Eleven sa presyo ng KBO.
Agad namang maa-activate ang KBO access ng subscriber, matapos makapagbayad. Siguraduhin lamang na nakabukas sa KBO channel ang TVplus box sa oras ng activation.
Ang bagong payment option na ito ay available sa 2,700 CLiQQ kiosks, ngunit, ayon sa Gate Distribution General Manager na si Trisha Pascual, “Maaari pa itong ma-extend sa 12,000 partners ng ECPay at Gate, sa mga darating na panahon.”