Megan, Kris may matinding bakbakan sa ‘HSDNBK’

Samantala, pagkauwi mula sa Europe diretso na agad sa taping ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Ayon kay Rayver, mas matitindi pa ang mga susunod na episode ng serye ngayong alam na ni Yvie (Megan Young) na may namamagitan kina Matteo (Rayver) at Katya (Kim Domingo) dahil na rin sa kagagawan ni Naomi (Kris Bernal).

Halos isumpa na ni Yvie ang asawa nang makita niya ito at ang kanyang pinsan na parehong nakahubad sa loob ng kwarto.

Tuwang-tuwa naman ang kaluluwa ni Naomi dahil unti-unti na siyang nagtatagumpay sa kanyang masamang plano.

Ang tanong, tuluyan na nga kaya niyang mawasak ang pagsasama ng mag-asawa? Manalo nga kaya ang pwersa ng kadiliman laban sa kabutihan? Abangan kung ano ang gagawin nina Yvie at Matteo para mapatahimik si Naomi?

Napapanood pa rin ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko after Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Read more...