Rayver perfect bf kay Janine: Gustung-gusto kong sinu-surprise siya! | Bandera

Rayver perfect bf kay Janine: Gustung-gusto kong sinu-surprise siya!

|October 08,2019
facebook
share this

Rayver perfect bf kay Janine: Gustung-gusto kong sinu-surprise siya!

- October 08, 2019 - 12:50 AM

RAYVER CRUZ AT JANINE GUTIERREZ

NAGING espesyal ang pagbabakasyon ng rumored couple na sina Rayver Cruz at Janine Gutierrez sa Europe kamakailan dahil isinabay na rin nila ang birthday celebration ng Kapuso actress.

Naunang pumunta sa Europe si Janine para sa isang event sa Rome at para sa pagrampa niya sa Paris Fashion Week. Sumunod na lang doon si Rayver nang makakuha ng free time mula sa taping ng Kapuso drama/horror series nilang Hanggang Sa Dulo ng Buhay Ko.

“The whole trip! Of course, yung birthday. Bukod sa birthday, highlight siguro lahat dahil first time ko kasing pumunta ng Paris. Kasi nakikita ko lang siya sa movies, e. Kahit mga Hollywood movies, ang daming nagsu-shooting dun, e.

“’Tapos, nakikita ko lang sa pictures, like yung Eiffel Tower, yung Château de Versailles. Marami, marami kaming napuntahan, tuwang-tuwa ako,” chika ni Rayver nang makachikahan ng press sa taping ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Mahilig talagang magbigay ng surprise ang Kapuso hunk kay Janine, “Ako naman kasi, ever since, gustung-gusto kong sinu-surprise siya. Lagi ko kasing ginagawa yun, kung titingnan niyo naman yung past birthdays niya, kung saan siya, sila ng family niya, sumusunod ako.

“Kasi gusto ko yung… alam mo yun, gusto ko lang na ginagawa ko yun, kasi she loves travelling. So kung maaari talaga, gusto niyang sine-celebrate yung birthday niya sa ibang bansa,” aniya pa.

Posible pa kayang magsama sila sa isang proyekto? “Kung ipagpa-partner kami ni Janine, siyempre masaya kasi nga mas magiging super dali, so bakit hindi, di ba? Gugustuhin ko rin naman talaga na makatrabaho siya.

“Pero kung hindi pa rin naman, okay lang naman kasi hindi naman kailangang madaliin. Pag wala namang trabaho, pag Sunday naman at libre kami parehas, nakikita ko naman siya or pag walang work.

“So parang ganu’n na rin naman. Pero kung makakatrabaho ko siya, bakit naman hindi,” pahayag pa ni Rayver na very obvious sa aura ang pagiging super happy and contented sa kanyang career and personal life.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending