Regine tumatambay sa palengke para lang mahawakan ang litrato ni Sharon

REGINE VELASQUEZ AT SHARON CUNETA

SUPER idol pala ni Regine Velasquez si Sharon Cuneta.

“Noong araw hindi ako nagsasalita kapag nagge-guest ako sa Sharon kasi parang nalulunok ko ang dila ko. Nabilaukan ng sariling dila, alam mo ‘yun?” say ng Songbird sa Gandang Gabi, Vice.

Nag-umpisa talaga ang pag-idolo ni Regine noong unang hit song palang ni Sharon.

“The first song I memorized by myself is ‘Mr. DJ’. Pinakinggan ko siya sa radio. Sabi ko, ‘ang ganda-ganda naman ng kantang ‘to’ tapos ang ganda ng boses. Tapos na-memorize ko na siya after tatlong beses kong pinakinggan sa radio,” kuwento ni Regine kay Vice Ganda.

After that, madamdaming kinanta ni Regine ang first hit ni Sharon na “Mr. DJ”.

Itsinika ni Regine na hinahawakan niya ang mga pictures ni Sharon na naka-display sa palengke. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon noong bata pa siya.

“Tinitigan ko at hinahawakan ko kasi hindi ko siya mabili. Ganoon ko siya ka-idol kaya naintindihan mo kung bakit hindi ako makapagsalita,” dagdag pa ng Songbird.

Read more...