Kim laging may dalang arinola sa sasakyan: Doon ako umiihi

Ipinakita ni Kim Chiu ang kanyang sosyal na van sa kanyang YouTube channel.

“I want to share to you guys ang aking van. Ito ang madalas kong ginagamit sa mga shooting and taping. Sobrang laking tulong ng van na ‘to sa work ko specially kapag sa malalayong lugar kami nag-shoot,” say ni Kim sa kanyang van tour.

Custom made ang van kaya naman maraming amenities dito like television, cabinet drawers, table and bed. Ipinakita rin ni Kim ang isang box na punumpuno ng pagkain.

“Gusto ko ng maaalat, ayoko ng sweets. Hindi ako mahilig sa mga matamis. Hindi ko alam, ha, pero ang mga Bisaya hindi sila ganahan ug tamis. Ganahan sila kanang parat or salty food,’ say niya.

“Pero ito may isa akong secret dito sa loob ng car na ako lang may alam pero ngayon hindi na ako yun magiging may alam.”

She then pulled out a black box which contained…arinola. Doon daw siya umiihi madalas kapag naiihi na siya. She even positioned herself habang kunwari ay umiihi.

Sobrang na-touch ang fans ni Kim sa kanyang down-to-earth demeanor. Wala siyang karate-arte.

“Kimmy’s laugh is so pure and adorable!”

“Grabe walang kaarte arte si kim chiu sa part nung Arinola.”

“Walang kaarte-arte. I stan the right vlogger.”

“Ate Kim’s personality and laugh kinda reminds me of Francine Diaz, both pretty and humble.”

Read more...