Bistek sumabak na sa shooting kasama sina Francine at Kyle

Sumabak na si former Quezon City Mayor Herbert Bautista sa comeback movie niya na may working title na “Silly Red Shoe” nun’g Linggo.

Ito’y bahagi ng first anniversary celebration ng iWant ng ABS-CBN kaya mas magiging espesyal pa ang pagbabalik sa pag-arte ng dating alkalde.

Makakasama niya sa cast ang dalawa sa mainstay ng seryeng Kadenang Ginto na sina Francine Diaz at Kyle Echarri. Si James Mayo naman na gumawa ng pelikulang “Kuya Wes” ni Ogie Alcasid ang director ng pelikula.

Bukod sa pagbabalik sa akting, sumailalim din sa writing workshop si Herbert kamakailan.

Read more...