Sunshine inuulan ng blessing sa GMA


Shower of blessings kung maituturing ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon ang nangyayari sa career niya ngayon.

Matapos bumida sa comeback series ng GMA Public Affairs na Wagas, may kasunod agad siyang proyekto. Muling mapapanood si Sunshine sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Magkaagaw, kung saan gaganap siya bilang si Laura, ang pangalawang asawa ni Mario (Alfred Vargas) at ina ni Clarisse (Klea Pineda).

“Thank you to GMA for continuously trusting me with good stories and good characters to play. Sabi ko nga, I consider it a blessing that at my age, I’m still able to work and there’s still support from the fans.”

Abangan ang karakter ni Sunshine sa Magkaagaw ng GMA.

Read more...