P230.7M jackpot hindi nakuha

WALANG tumama sa P230.7 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 23-11-12-42-08-45.

Sa bola sa Martes ng gabi ay inaasahang aabot sa P235 milyon ang jackpot prize.

Nanalo naman ng tig-P66,470 ang 24 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.

Tig-P940 naman ang 1,350 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 26,667 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...