Maarteng female celeb inireklamo na ng mga katrabaho sa tv network: Sobra na siya!

By Cristy Fermin October 07,2019
share this

Maarteng female celeb inireklamo na ng mga katrabaho sa tv network: Sobra na siya!

By Cristy Fermin October 07,2019
share this


MATAGAL nang kalat ang kuwento tungkol sa sobrang pag-iinarte at kamalditahan ng isang female personality. Sa edad niya ngayon, dapat ay nag-mellow na siya, cool na dapat siya dahil hindi na siya bagets.

Sa kanyang mga programa man o sa paggawa ng mga TVC ay umiikot din ang kuwentong mahirap siyang katraho. Sa mundo ng pelikula ay ganu’n din ang kuwento tungkol sa kanya.

Pero kailan lang ay kinausap na pala ng mga bossing niya sa network na pinagseserbisyuhan niya ang babaeng personalidad. Diniretso na siya.

“Isa lang ang ibig sabihin nu’n, hindi na kinakaya ng production staff ang mga pinaggagagawa niya. Nakara-ting na pala sa mga ehekutibo ng istasyon ang matagal nang reklamo tungkol sa kanya ng mga nagpapatakbo ng kanyang programa,” simulang chika ng aming source.

Tumatanda nang paurong kung tagurian ang kilalang female personality na ito dahil hindi na bagay sa kanyang edad ang mga ipinakikita niyang hindi kagandahang ugali.

Patuloy ng aming source, “Napakarami niyang ipinagbabawal! Kapag nasa dressing room na siya, e, bawal mag-usap nang malakas ang mga tao sa labas.

“Ano kaya ang gusto niya, e, studio ang kinaroroonan niya. May studio bang tahimik? Natural, gagawa ng ingay ang pagse-set-up ng set, ang pag-uusap ng mga production staff and crew!

“Ano ‘yun, gumagawa siya ng batas dahil ‘yun ang gusto niya? Masyado siyang maldita, reklamadora at kung anu-ano pang description na hindi talaga tanggap ng mga katrabaho niya!

“Kung gusto niya ng katahimikan, e, mamundok siya! Kahit nga sa bundok, e, hindi pa rin makalulusot ang kaartehan niya! Makakausap ba niya ang mga kuliglig na manahimik nang dahil lang sa kanya?

“Marami siyang gustong pairalin sa set, pero sa pangsarili lang naman niyang kapakanan ‘yun, ano siya, sinusuwerte?” nakataas ang kilay na kuwento ng aming source.

Ngayong may kumausap nang nakatataas sa kanya ay umaasa ang mga katrabaho ng aktres na magbabago na ang kanyang ugali.

“Kailangan! Dahil kapag ang mismong artista na ang inirereklamo ng pangkalahatan, e, siya na ang mali, siya na ang kailangang magbago ng ugali!

“Dear chuchu, mag-aral ka na kasing magpakumbaba! Tama na ang pagmamaldita, hindi na bagay sa age mo!” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong kilalang-kilala n’yo na kung sino ang female personality na ito na umoober na ang kaartehan at kamalditahan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending