Bashers kontra kay Jennylyn bilang ka-loveteam ni Dingdong

JENNYLYN MERCADO AT DINGDONG DANTES

Mighty proud si Jennylyn Mercado dahil sa kanya napunta ang isang major role sa Pinoy adaptation ng isang hit Korean soap opera.

Si Jen ang gaganap bilang leading lady ni Dingdong Dantes.

“Hi, everyone. Minsan lang ako mag-post about my projects and hindi ko mapigilan ang sarili ko. I am super happy to portray Dr. Maxine dela Cruz of Descendants of The Sun, the Philippine adaptation.

“When I heard they started taping already and preparing for the soap, ako din na-curious kung sino nga ang napili para sa role. When I learned that it was me, I was overwhelmed with gratitude for GMA’s trust and also pressured since I know how big this project is. I promise I would do everything to give justice to the role. I won’t let you all down. Pangako.”

That was Jennylyn’s post sa kanyang social media account.

If she’s happy for bagging the role, hindi naman masaya ang ilang netizens for her selection. Nakakasawa na raw kasi siya.

“Wala ng artista talaga ang GMA 7.”

“Sana wag naman maging OA ang acting. Hindi ko nagustuhan yung My Love from the Star nya. OA nya kasi don, sana ito mabigyan ng justice. I really love DOTS.”

“Sawang sawa na kame sa mga flop show niyo.”

“Pinatagal pa ng GMA eh sya din naman pala.”

Ang harsh ng comments nila, ‘no? Pero ipinagtanggol naman si Jen ng isa niyang fan who said, “Grabe na talaga ang mga tao ngayon, ang dudumi ng bibig. Puro na lang kanegahan ang nakikita nila sa kanilang kapwa. Try nyo namang mag pray kahit minsan para maging positive naman ang pananaw n’yo sa life.”

Read more...