NAGLABAS na ng teaser ang isang indie film na pinagbibidahan ni Iza Calzado.
Marami ang na-surprise dahil naroon sa teaser si John Lloyd Cruz. Inakala tuloy ng netizens na malaki ang role ng premyadong actor. Sadly, hindi naman pala. Isang cameo role lang ang kanyang participation.
Actually, sobrang na-disappoint si John Lloyd sa pagkakasali niya sa teaser.
“I thought including me in the teaser was preemptive. It was the opposite of what I actually requested and agreed on,” say ni John Lloyd sa isang interview.
Obvious na may sama ng loob ang actor sa kanyang kausap sa production. Sino kaya ito? Bakit hindi siya tumupad sa usapan? Naisahan ba si John Lloyd?
Ayun, naakusahan tuloy ang movie na ginagamit si John Lloyd para lang magkaroon ng mileage.
Siyempre nga naman, marami ang nasasabik sa kanyang pagbabalik. Maging ang netizens ay tila imbiyerna rin sa panggagamit kay John Lloyd.
“Baka naman hindi na nagpabayad si JLC doon at usapan eh huwag na ipalabas sa trailer yung eksena niya. Tutal ekstra lang naman. Pang gulat na lang sa manonood. Kaso di nasunod.”
“Hahahaha! Cameo lang pala e. One scene lang pero ginawang big deal. Kaloka naman yan. That’s fooling your audience.”
“Oh I seee, so he was fooled by the producers who are trying to fool the audience. That’s foolish.”
“Yun na nga eh, tumulong na nga, siya pa masama ngayon na umaangal siya, eh pano pag madami manuod tapos high expectation sa kanya because of that teaser siya ang dudumugin kasi in a way nag connive siya sa panloloko if di niya nilinaw early on, buti na rin sinabi niya.”