Juday, Jericho, Meryll bibida sa 2019 Busan filmfest | Bandera

Juday, Jericho, Meryll bibida sa 2019 Busan filmfest

Bandera - October 05, 2019 - 12:25 AM

JUDY ANN SANTOS, JERICHO ROSALES AT MERYLL SORIANO

BILANG bahagi pa rin ng 100th year celebration ng Philippine Cinema, ibinandera na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga Pinoy movies na makakasali sa Busan International Film Festival (BIFF) 2019.

Nagsimula na sa South Korea ang nasabing film festival nitong Oct. 3 at tatagal hanggang Oct. 12.

Para sa kategoryang “Icons,” ipalalabas ang Lav Diaz film na “Ang Hupa” at rarampa ang isa sa mga artista nito na si Joel Saracho.

Magkakaroon naman ng world premiere ang “Mindanao” nina Judy Ann Santos at Allen Dizon na parehong dadalo sa Busan. Kasamang rumampa ni Juday sa Busan ang asawang si Ryan Agoncillo at Brillante Mendoza.

Para naman sa section na “A Window On Asian Cinema,” ipalalabas ang “Lingua Franca” ni Isabel Sandoval at ang “Verdict” na idinirek ni Raymund Ribay Gutiererez na pinagbibidahan ni Max Eigenmann at ang namayapang si Kristofer King. Ipinrodyus ito ni Direk Brillante Mendoza para sa kanyang Centerstage Productions.

Sa “New Currents” category naman, mag-i-international premiere ang Cinemalaya 2019 best picture na “John Denver Trending” at dadalo roon ang direktor nitong si Arden Rod Condez, kasama si Meryll Soriano at Jansen Magpusao.

Ang “Basurero” naman ni Eileen Cabiling ang napili para sa “Wide Angle (Asian Short Film Competition)” category. Inaasahan ding rarampa sa Busan ang bida ng movie na si Jericho Rosales kasama ang asawang si Kim Jones.

Higit pa sa maligaya sa representasyon ng Pilipinas sa Busan ngayong taon ang FDCP Chairperson and CEO na si Liza Dino, “Ngayong taon, nagdala na naman tayo ng isang matibay na lineup sa Busan pagdating sa mga pelikula, film projects at Filipino companies.

“Ang layunin nating dalhin ang Filipino content sa Asya at sa buong mundo ay unti-unting nangyayari at dahil dito, ang FDCP ay nananatiling totoo sa layuning maging suporta sa bawat hakbang bilang parte ng ating legacy sa susunod pang isandaang taon,” pahayag pa ni Chair Liza.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending