Project ni James kasama si Nancy ng Momoland ninega; Ilang fans dumepensa

BIBIDA sa isang Dreamscape Entertainment series na pinamagatang ‘Soulmate’ ang Kapamilya heart throb na si James Reid at ang makakasama niya rito ay walang iba kundi si Nancy ng sikat na KPOP group na Momoland.

Inilabas ng Dreamscape ang photo ni James at ni Nancy na kuha matapos ang storycon with them.

Although marami ang natuwa at na-excite marami ang negang-nega sa bagong project na ito ni James.

“Okay, so… Nadine Lustre will be the next Bea Alonzo.” sabi ni Maria Vergenmae Salvador Pesales.

“Nadine lustre leave d earth awwww joke hahahah looking.forward for it..” sey ni Irine Amoncio Sitoy Ahmad.

“Na nganganib na si Nadine 😭😭 tiwala Lang be😁😆”  ang sinabi ni Estorba Rachelle.

Ilang fans naman ang kumontra rito at tinawag na toxic ang mindset na kapag iba na ang project ng magkalove-team ay hiwalay na agad ito.

“Toxic filipino mindset: porke may separate sila na project, break agad. You sure don’t have any idea of their relationship. You have to know JaDine more than that.” ang paliwanag ni Dari Orr.

“D naman mahilig si James Reid sa tisay. Kaya nga Nadine and Devon pinili niya dati dba. Tiwala lang Nadine ❤” ang sey din ni Hachi Kazumi.

“Stop comparing James Reid to Gerald. Alam natin na loyal si James kay Nadine. Trabaho lang yan..” pagtatangol ni Ella Cabrera.

Ang Soulmate ay sa ilalim ni Direk Antoinette Jadaone.

Read more...