NAITALA ang pinakamababang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong Setyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang naitalang 0.9 porsyento ang pinaka-mababang inflation rate mula noong Hunyo 2016.
Noong Agosto ang inflation rate ay 1.7 porsyento at noong Setyembre 2018 ay 6.7 porsyento.
Sinabi naman ni House committee on ways and means chairman at Albay Rep. Joey Salceda na posibleng mas bumaba pa ang inflation rate ngayong Oktubre.
Malaki umano ang naitulong ng Rice Tarrification law sa pagbaba ng presyo ng bigas. Ang pagtaas ng presyo ng bigas noong 2018 ang itinuturing dahilan ng mataas na inflation rate noong nakaraang taon.
Pero maaari umanong tumaas ang inflation rate sa Nobyembre at Disyembre.
“In November and December we expect inflation to move higher to 1.2% and 1.9% respectively. This is on account of the incremental demand growth from A). the BSP action – the reduction in policy rates and the gradual lowering or reserve requirements this November and B). Higher government spending from the catch up program to offset the five-month delay in the budget. All told, Philippine fundamentals are rock solid in the inflation front,” ani Salceda.
Sinabi naman ni House Deputy Minority leader Carlos Isagani Zarate na hindi umano nangangahulugan na bumaba ang presyo ng mga bilihin sa mababang inflation rate.
Ang totoo umano ay tumaas pa rin ang presyo pero maliit lang. “What consumers want to hear is the lowering of prices and not just the rate of inflation. As it is, even if we have a zero inflation last month, it only means that there is no price increase, but, prices are still high, nonetheless,” paliwanag niya.