Klea Pineda: Hindi ako tomboy, lalaki pa rin ang type ko

KLEA PINEDA AT JERIC GONZALES

“LALAKI pa rin po ang gusto ko!” Ito ang ipinagdiinan ng Kapuso actress na si Klea Pineda matapos kumalat ang chika na isa siyang tomboy.

Nakausap namin ang dalaga kamakalawa kasama ang leading man niyang si Jeric Gonzales para sa muli nilang pagtatambal sa upcoming Kapuso afternoon drama na Magkaagaw. Una silang nagsama sa seryeng Ika-5 Utos at in fairness, nagustuhan naman ng viewers ang kanilang loveteam.

Kaya naman muli silang pinagtambal ng GMA sa Magkaagaw kung saan gaganap na silang mag-asawa.

Mas daring at mas mature na raw ang gagampanan nilang role sa serye na siguradong ikagugulat ng kanilang fans.

Parehong figher sina Jeric at Klea na matagumpay na nalagpasan ang mga kontrobersiyang kinasangkutan nila nitong mga nakaraang buwan. Alam naman ng lahat ng nasangkot noon ang magka-loveteam sa video scandal na pinagpiyestahan talaga ng mga netizen.

Ayon kay Jeric, hindi niya rin alam kung paano niya nalagpasan ang “batibot” video scandal na kanyang kinasangkutan pero nagpapasalamat siya na hindi ito masyadong nakaapekto sa kanyang career, “For me, hindi ko rin alam kung paano ko siya na-handle.

“Pero siguro, I’m made for this, kasi nakayanan ko naman lahat yun. Nandito pa rin ako. Para sa akin, kung ano man yung mga yun, parang kasama siya sa journey ko rito.

“Parang struggle siya, pero ito na ako ngayon. Okay na ako, mas nag-grow na ako. Yun ang importante,” kuwento ng binata na isa ngayon sa mga pantasya ng mga matrona’t beki dahil na rin sa kanyang kaguwapuhan at hunky body.

Sinagot naman ni Klea ang mga kumukuwestiyon sa kanyang gender, “May isyu nga po ‘yan. Kasi ako, ever since, hindi talaga ako may pagka-girly. Pili lang yung days na nag-high heels ako.

“Aminin ko, may pagka-boyish ako. Kasi, mahilig ako sa motorbikes. Yung mga hobbies na gusto ko, panlalaki like car racing, mas challenging siya for me.

“Siguro nagkaroon ng ano yung mga tao na ganun, kasi, ‘Siguro kaya yun ang hilig ni Klea, kasi ganun siya.’ E, come on, guys, anong year na nga-yon? Ilang months na lang, 2020 na, tapos iyon pa rin ang tingin ng mga tao,” natatawang pahayag ng StarStruck Season 6 Ultimate Female Survivor.

Tinanong namin siya kung lalaki pa rin ba ang gusto niya, “Oo naman!” ang mabilis niyang sagot.

“Parang tough kasi ang tingin nila sa akin, ‘tapos matangkad pa ako. Iyong features ko, medyo sharp.

Iyon nga ang napapansin sa akin ng mga tao,” pahayag pa ni Klea na may balak ding sumali sa beauty pageant in the future.

Speaking of Magkaagaw, excited na ang tambalang KleRic sa bagong io-offer nila sa Kapuso viewers. Level-up nang bonggang-bongga ang dalawa bilang mag-asawa sa nasabing serye kaya asahan na raw ang mga intimate scenes na gagawin nila.

Ang kuwento nito ay iikot sa masalimuot na buhay ng isang anak na pahihirapan ng tadhana dahil sa mga kasalanang nagawa ng kanyang sariling ina.

Makakasama nina Jeric at Klea sa Magkaagaw sina Sheryl Cruz at Sunshine Dizon na nagkasama rin noon sa Kapuso series na Bakekang. Ito’y sa direksyon ni Gil Tejada.

Read more...