INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukalang pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre 5, 2022.
Ginaya ng Kamara ang bersyon ng Senado at inamyendahan ang kanilang bersyon na gawin ang susunod na Barangay at SK elections sa Mayo 2023.
Ang House bill 4933 ay inaprubahan sa pamamagitan ng viva voce voting.
Nauna rito inalis ng Kamara ang P5 bilyon gagastusin ng gobyerno para sa eleksyon sa Mayo 2020.
Bahagi ng pondo ay gagamitin sa pagbili ng palay mula sa lokal na magsasaka.
MOST READ
LATEST STORIES