Pabuya nakuha ng ‘ninja cops’?

HINDI umano dapat maging incentive sa mga pulis ang reward money na dapat mapunta sa mga impormante na nakatulong upang malutas ang isang kaso at matukoy ang utak sa isang krimen.

Nangangamba si Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin na baka na-“ninja” na rin ang reward money sa kaso ng pinaslang na si Cong. Rodel Batocabe gaya ng mga shabu na kinukumpiska ng mga pulis pero muling ibinebenta.

“The moment the total of P35 million pesos was turned over to the PNP, the laws on cash rewards, witness protection, custody of funds for public purposes were in play. Nowhere in any of our laws and regulations does it say the informants’ bounty are incentive bonuses for any police officer or any so-called ‘ninja cop’,” ani Garbin.

Sa P35 milyon reward para sa paglutas sa kaso n Batocabe, P20 milyon ang mula sa Office of the President, P13 milyon mula sa mga kongresista ng 17th Congress at P2 milyon mula sa Provincial Government of Albay.

“So, nasaan na yung P35 million? Posible kayang ‘na-ninja’ ito parang yung iniimbestigahan ngayon ng Senado na diumano’y pagkupit ng ilang pulis sa nakukumpiskang droga?” tanong ng solon.

Pinaiimbestigahan ni Batocabe sa House committee on public accounts kung saan napunta ang reward money.
Maghahain din siya ng panukala upang maiayos ang reward system para sa mga impormasyon na makapagreresolba ng krimen.

“We want a transparent online system for informants’ cash rewards, so any citizen can find out in real time, where the funds are, where it is deposited, who has custody of it, and who are responsible for it. Such a system can be scaled up to apply to all public funds, to every peso and centavos of the funds of the Filipino people,” giit niya.

Read more...