Ervin Santiago, Entertainment Editor
KUNG pagiging kontrobersiyal din lang ang pag-uusapan, hindi magpapahuli diyan si Dennis Trillo. Mula noong magsimula siya sa showbiz hanggang sa sumikat na siya nang todo bilang isang ipinagmamalaking leading man ng Kapuso network, ay hindi na siya tinantanan ng mga intriga at iskandalo.
Pero maipagmamalaki naman ni Dennis na mula noong magsimula siya bilang isang aktor sa ABS-CBN ay napakalayo na rin ng narating niya. May mga acting awards na ring naiuwi si Dennis mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Kaya hindi mo mamemenos ang kanyang pagiging tunay na artista.
Pero sigurado kaming may mga bagay-bagay pa kayong hindi nalalaman tungkol kay Dennis at ‘yan ang inusisa namin sa kanya nu’ng magkaroon kami ng chance na maka-chika siya one-on-one kamakailan.
Alam n’yo bang walang lovelife ngayon ang aktor, pero ang tanong, may sex life ba siya? At sino nga ba itong award-winning veteran actress na gustung-gusto niyang makasama sa isang project? Narito ang aming pakikipagchikahan kay Dennis, basahin natin.
BANDERA (B):
Masaya ka ba sa buhay mo ngayon?
DENNIS TRILLO (DT): Oo naman, sobra! Lahat ng hinihiling ko sa Diyos, binibigay Niya. Sobra-sobra pa. Kaya hindi na nga ako humihiling ngayon, e. Puro pagpapasalamat na lang ang ginagawa ko.
B: Sobrang busy mo ngayon, may time ka pa ba para sa sarili mo?
DT: I make sure na kahit paano ay magka-time ako sa sarili ko. ‘Yun ’yung mga time na mag-isa lang ako, realization time kumbaga. Pero kung wala akong work, pag may free time pa, nagdyi-gym ako, nagba-bike, nagbo-boxing. Tumatambay lang sa bahay.
B: Hindi ka na gumigimik kasama ang mga friends mo?
DT: Hindi naman ako magimik na tao, e. Ano lang ako, e, bahay lang lagi. Ang mga friends ko naman, hindi naman sa gimik ko lang nakakasama, ‘yung lalabas kami. Puwede namang bumisita lang sila sa bahay, sila y’ung pumupunta sa akin, kasi ako after taping, wala na akong energy na lumabas pa at magpakalasing sa labas. Sa bahay na lang kami nagkakasiyahan.
B: Maarte ka ba sa katawan?
DT: Hindi naman vain talagang matatawag. Siyempre, conscious lang ako sa itsura ko, lalo na kapag uma-attend kami ng mga events, ‘yung nakikita kami ng mga tao nang malapitan. Kasi, siyempre, nasa showbiz kami, kailangan talagang maalaga ka sa itsura at katawan mo.
Hindi ako masyadong nagpapa-facial, hindi rin ako mahilig sa spa. Linis lang ng mukha, bago matulog para fresh ang feeling mo kapag nagpahinga ka na. Nakakapagpamasahe lang ako kapag nasa taping or shooting, kapag may mga kasamahan kaming may kasamang marunong magmasahe. Kapag hindi pa kinukunan ang eksena ko, nagpapamasahe ako.
B: May mga pangarap ka pa ba sa buhay na hindi mo pa natutupad?
DT: Pangarap? Marami pa akong pangarap sa buhay na gusto ko pang marating. Sa totoo lang, nu’ng bata ako, wala talaga akong pangarap, e. Hanggang ngayon, ang motto ko, live life each day and enjoy mo lang siya, habang nandiyan pa ang buhay mo.
Siguro ang dream ko talagang masasabi sa ngayon, actually, malapit na ring matupad, dahil sisimulan ko na ‘yung pagpapatayo ng dream house ko this year. Tapos siyempre, ang pinagpe-pray ko lagi, ma-maintain yung mga blessings na natatanggap ko, alagaan lang kung ano ang meron ako.
B: Sinu-sino para sa ‘yo ang tatlong female celebrities natin na sa tingin mo ay super sexy?
DT: Naku, medyo mahirap ‘yan, ha! Madami, e. Siguro first si Jennylyn (Mercado), Marian (Rivera) and si Cristine (Reyes). Number one yun, e, di ba?
B: Sinu-sino pa ang gusto mong makatrabaho sa mga susunod na projects mo?
DT: Nakatrabaho ko na si Megastar (Sharon Cuneta), at gusto ko uli siyang makasama uli sa iba pang projects ko. Tsaka siyempre, gusto ko ring makatrabaho one day ang Superstar natin, si Ms. Nora Aunor. Bilib na bilib kasi ako sa kanya, sa mga pelikulang nagawa niya, parang sobrang challenging kapag siya na yung kaeksena mo. Medyo nakakatakot lang kasi siyempre, Superstar ‘yun! Pero nakaka-excite, e.
B: Anong klase kang tatay?
DT: Ako, aaminin ko, kunsintidor akong tatay, e. Kasi kapag ‘yung anak ko, nagba-bad boy siya minsan, e. Pero hindi ako yung tipo ng tatay na pagagalitan ko siya, o sisigawan ko, o papaluin ko. Kasi kapag nakita ko na siyang umiiyak, lumalabot na ‘yung puso ko, e. Parang ako yung nasasaktan kapag nakikita ko siyang nalulungkot o hindi siya masaya. Si Calix kasi, two years old na siya, so medyo makulit na talaga.
Pero sabi nga, hindi pa niya talaga naiintindihan ‘yung mga ginagawa niya, so ako, hinahayaan ko lang siya kung saan siya nag-eenjoy. Pero kapag medyo nakakaintindi na siya ng mga bagay-bagay, siguro du’n ko na sisimulan ‘yung pagdidisiplina sa kanya. Pero ngayon, talagang ang kulit na niya.
B: Paano kayong mag-bonding na mag-ama?
DT: Naglalaro kami, kumakain kami nang sabay, naliligo rin kami nang sabay. Minsan, sinasamahan ko siyang mag-swimming, mahilig siyang lumangoy. Iba yung saya niya kapag nasa tubig siya. Lahat, ine-enjoy namin doing things together. Minsan, tinuturuan ko siyang mag-computer games.
Sobrang daldal na rin niya ngayon. Lahat talaga ng marinig niyang words ginagaya niya. Nakakatuwa nga kapag nakakapagsalita na siya ng isang buong sentence. Kahit anong makita niya or mapanood niya sa TV or marinig niya, kaya na niyang gayahin. Ngayon pa lang, nakikita ko na ang hilig niya sa music, kumakanta na siya. Kaya sobrang naaaliw ako sa kanya.
B: May lovelife ka ba ngayon, pagkatapos ng todo-todong kontrobersiyang kinasangkutan n’yo ni Cristine Reyes?
DT: Honestly, sa maniwala kayo o sa hindi, wala pa talaga. Sobra ko pang nae-enjoy ‘yung buhay ng pagiging single, sobra ko pang nae-enjoy ‘yung time ko with Calix. So, parang hindi pa pumapasok uli isip ko ang pumasok uli sa isang relationship. At masarap pala, ha!
Kasi, di ba, nitong mga nakaraang taon, parang lagi na lang akong nasa isang relationship, pero nauuwi rin sa wala? So, ngayon ganito muna. Tsaka mas napabuti pa nga, e, dahil hindi naaapektuhan yung work ko, yung time ko sa anak ko, laging nandiyan. So, happy naman. Hindi naman ako nabo-bore sa buhay ko kahit wala akong girlfriend.
B: E, paano ang sex life mo? Sex life?
DT: Kailangan ba talagang malaman mo ‘yan? Hahahaha! Siyempre, nandiyan lang ‘yan, lalaki lang ako. Basta ganu’n lang ‘yun. Huwag na nating masyadong i-elaborate.
BANDERA Entertainment, 020810
Naaliw ka ba sa interview kay Dennis? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.