P35M jackpot nasolo

ISANG mananaya ang nanalo ng P35.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola Martes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang nakakuha ng winning number combination na 22-27-11-23-21-36.

Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 19 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P500 naman ang 1,025 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P24 taya ng 17,231 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...