Ayuda sa mga apektado ng sunog sa Star City ipinag-utos ng Palasyo

INATASAN ng Palasyo ang mga kaukulang ahensiya na magbigay tuloy sa mga apektado ng pagkasunog ng Star City.

Nagpahayag ng pagkalungkot si Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa nangyaring sunog na nangyari kung saan papalapit na ang kapaskuhan.

“The Palace expresses its grief following the unfortunate news about the early Wednesday morning fire that hit the Star City compound, which damaged not only the amusement park but also the Manila Broadcasting Company (MBC), where DZRH and other FM stations are housed,” sabi ni Panelo.

Inihayag ng pamunuan ng Star City na dahil sa sunog, hindi muna mabubuksan ngayong Pasko.

“As we near Christmas, this is truly sad news knowing that Star City is a place where Filipino families visit to celebrate the Yuletide season. To our friends in the media who are affected, we wish to let them know that we are one with them in this tragic incident,” ayon pa kay Panalo.

“We call on government instrumentalities to extend any form of assistance to those hit by the blaze,” dagdag ni Panelo.

Read more...