NASAWI ang isang lalaki nang mahagip ng tren ng Philippine National Railways, sa Tondo, Manila, Miyerkules ng umaga.
Agad nasawi si Florante Aguilar, 54, residente ng Ma. Guizon st., ayon sa ulat ng Manila Police District.
Naganap ang insidente malapit sa PNR compound na nasa Brgy. 228, pasado alas-6.
Patawid si Aguilar sa riles nang mahagip at makaladkad pa nang 80 metro ng tren (body no. AMU-08) na minaneho ni Enrique Valdivia, ayon sa pulisya.
Pabalik ng bahay noon si Aguilar, na empleyado sa city engineering office, matapos bumili ng pandesal, ayon naman sa isang ulat sa radyo.
MOST READ
LATEST STORIES