May matinding problema ba ngayon si Claudine?

CLAUDINE BARRETTO

Speaking of Claudine Barretto, mukhang excited na rin ang aktres sa balik-tambalan nila ni Piolo. Kaya lang may hindi masyadong magandang balita ang nakarating sa amin.

According to our source, kinakabahan ang isang concerned friend (CF) ni Claudine sa inaasal at nararamdaman ng dating nagrereyna sa mga mga teleserye ng ABS-CBN.

E, kasi nalurky yung CF nu’ng bigla siyang tinawagan ni Claudine kamakailan lang at humagulgol over the phone.

Iyak daw nang iyak ang estranged wife ni Raymart Santiago habang nagkukuwento sa kabilang linya.

Takang-taka si CF dahil hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang iyak ni Claudine gayong wala namang matinding problema ang aktres.

Ang mas ikinaloka ni CF ay nu’ng tumawag ulit sa kanya si Claudine. This time, tawa naman daw ito nang tawa habang may itsinitsika sa kanya kaya hindi maintindihan ni CF kung ano ba talaga ang trip sa buhay ng aktres.

Inisip na lang ng aming source na baka magulo lang talaga ang isip ni Claudine nu’ng mga oras na ‘yun or may bad hair day lang ang aktres. Pero teka, baka naman nagpa-practice lang si Claudine na mag-internalize in preparation sa movie nila ni Piolo?

Ang tagal din naman kasing nabakante ni Claudine sa pag-arte. Kaya baka tine-testing lang niya si CF para malaman kung epektib pa ba ang kanyang akting o kinakalawang na. Ganern!

Read more...