Piolo game na game makatambal sina Kathryn, Nadine at Liza sa pelikula

KATHRYN BERNARDO AT PIOLO PASCUAL

OPEN si Piolo Pascual sa idea na makapareha sina Kathryn Bernnardo, Nadine Lustre at Liza Soberano sa pelikula.

“Sa totoo lang, gusto ko silang makapareha lahat. Kung papalarin, kung mamarapatin,” pag-amin ni Piol.
In fact, may concept na raw na naisip ang Kapamilya heartthrob para sa kanila ni Kathryn.

“I’ve been so open about it, you know, I want to work, hoping, si Liza. E, si Nadine rin is really good. And, you know, kung sino ‘yung pwedeng mabigyan ng tsansa na makatrabaho.

“I’m just excited to work with anyone, basta maganda ‘yung material at swak sa amin ‘yung role, why not,” pahayag pa ni Piolo sa grand media launch ng “SunPIOLOgy Xone” na pinagsanib-pwersang selebrasyon ng Sun Life Philippines at ng award-winning Kapamilya actor.

Ilan sa executives ng Sun Life ang humarap sa media kasama ni Piolo at ni Enchong Dee (na parehong Sun Life Health Wellness Ambassadors) kanilang na sina Mylene Lopa (Chief Markeying Officer), Judith Gabatino, (Managing Director, MetroAd, Princess Galura (General Manager) at Jinoe Gavan (Takbo PH).

Sa ngayon, tinatapos pa ni Piolo ang bago niyang movie kasama si Alessandra de Rossi. And after that, sasalang agad siya sa isa pang pelikula na magsisilbing reunion project nila ni Claudine Barretto.

“They’ve been…it’s been in Star Cinema’s baul for the longest time and it’s always been Clau and I (na magbida). So, we’ve waited 15 years for this. I’m just really excited that it is finally happening,” pahayag pa ni Papa P.

May bagong look daw si Piolo para sa movie nila ni Claudine kaya isa raw ‘yan sa dapat abangan ng kanilang mga supporters na matagal ding naghintay sa muli nilang pagsasama.

Read more...