Gusto nang i-level up ni Rufa Mae Quinto ang kanyang personalidad at pagiging artista. Kung nakilala natin siya bilang Booba sa mga nagawa na niyang pelikula, nagbabalik ang sexy actress sa comeback movie niyang “Ang Huling Henya” na tiyak na bubura sa image niyang boba.
Sa presscon ng nasabing pelikula produced by MVP at Viva Films nu’ng Huwebes ng gabi, very proud na ibinalita ni Rufa Mae na ito na ang pelikulang matagal na niyang gustong gawin at ipagmalaki sa mga manonood.
“This is it na talaga! As in todong-todo na ‘to! Imagine, after three years, ngayon na lang uli ako nagkaroon ng pelikula, but it’s worth the wait. Talagang ito ‘yung gusto kong mangyari sa career ko ngayon, ‘yung mag-level up naman ako as an artist.
Dito sa ‘Hu-ling Henya’ talagang pinahirapan ako ni direk Marlon Rivera (nagdirek din ng Ang Babae Sa Septic Tank).
“Ayaw na kasi niya nu’ng mga pinaggagagawa ko sa past movies ko, gusto niya at gusto ko rin naman talaga na bagung-bago ‘yung makikita ng mga tao.
Medyo serious ito, medyo lang, ha! Hindi yung usual na Booba character, may drama rin siya at super action, but of course, matatawa rin sila, but in a different level na,” pagmamalaki ni Rufa Mae.
Dagdag pa niya, “Sobra ang training ko rito, nag-boxing ako, nag-Muay Thai, pati firing kasi may mga barilan din dito. Nag-acting workshop din ako under Melvin Lee, in fairness sa akin, di ba? Ha-hahaha!
Nagkasakit na nga kami rito at naospital pa, dahil dugo’t pawis na ang ibinigay naming lahat!” Hirit pa ng bida ng “Ang Huling Henya”, “Iba ito kasi, di ba, wala naman talaga tayong babaeng action star, so, sabi namin ni direk Marlon, bakit hindi ‘yun ang maging direksiyon namin. So, ito na nga ‘yun mga friendship!”
Tungkol ito sa isang simpleng babae na nagbalik sa Manila para balikan ang kanyang nakaraan. Dito niya malalaman kung sino talaga siya at kung sino ang kanyang mga tunay na magulang.
And yes, may mga zombies din sa pelikula na mala-Walking Dead ng Hollywood. Kasama rin sa “Ang Huling Henya” showing on Aug. 21, sina Candy Pangilinan, Ricci Chan, DJ Durano, Ayen Laurel, Kean Cipriano, Edgar Allan Guzman, Jovic Munsod (ex-PBB teen housemate) at Robert Sena.
( Phot credit to Google )