KIM, XIAN matagal nang magdyowa, natatakot lang umamin


MARAMI ang gustong maniwala na nag-eenjoy si Xian Lim na laging pag-usapan ang involvement niya kay Kim Chiu. May mga nakakapuna kasing kapag tinatanong daw ito kung ano ang latest sa kanila ng leading lady niya sa “Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo”, eh lagi daw itong parang nagpapakilig.

Sey ng isang mahaderang kapatid sa panulat, “Answerable naman ng yes or no ang tanong, ang dami pang pasakalye. Puwede bang turuan ng tamang PR iyang si Xian?

Anong feeling niya, siya si Daniel Padilla o Enrique Gil? Matanda na siya no!” Depensa naman ng isang supporter ni Xian, “Ganu’n po talaga siyang sumagot eh.

Kung hindi kayo masaya sa narinig ninyo, kami okay lang. Basta sa amin, hindi na nila kailangan pang magsalita tungkol sa relasyon nila. Naniniwala kaming more than friends na sila.”

Well, ayaw naming sabihin na nang dahil sa movie nila na ipapalabas na ngayong July 31 kaya may ganitong mga emote. The fact na pinagkatiwalaan sila ng Star Cinema na magbida sa romantic comedy na based on a book ng tinatawag na internet action star na si Ramon Bautista at bahagi pa ng 20th anniversary ng numero unong film outfit sa bansa, walang dudang may ipinagmamalaki ang tandem nila.

Though aminado si Kim sa amin na may pressure siyang nararamdaman dahil ngayon lang masusubukan sa movies ang loveteam nila ni Xian, naniniwala naman daw siyang hindi sila pababayaan ng mga supporters nila.

Read more...