Juancho: In love na in love kami ni Joyce sa isa’t isa, compatible kami…

JUANCHO TRIVIÑO AT JOYCE CHING

KUNG may itinuturing na lucky charm ang Kapuso TV host-actor na si Juancho Triviño ngayon, ‘yan ay walang iba kundi ang kanyang girlfriend na si Joyce Pring.

Isa si Juanco sa iilang celebrities na maswerte na sa career at lucky pa sa love. Karamihan kasi sa mga artista, kapag bongga ang lovelife ay nganga naman sa trabaho at raket, kaya nga todo ang pasasalamat ng binata sa lahat ng blessings na dumarating sa kanya ngayon.

Sa nakaraang presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Madrasta kung saan dalawa ang magiging leading lady – sina Thea Tolentino at Arra San Agustin, sinabi ng Kapuso actor na nakikita na niya ang kanyang future kasama si Joyce. Aniya, nasa plano na talaga nila ni Joyce ang bumuo ng sariling pamilya.

“Yes, that’s the ultimate plan naman talaga para sa akin. Ako hindi naman ako pupunta sa isang relationship without knowing or wanting that,” pahayag ng binata.

“Compatible kami ni Joyce in a lot of ways. Masaya ako with her. She makes me a better person, I make her a better person so that’s all I need basically maliban siyempre sa others na binibigay niya,” kinikilig pang chika ni Juancho.

Nabuo ang tambalang JuanChoyce nang magkasama sila bilang segment host ng Kapuso morning show na Unang Hirit. Sa programa rin inihayag ng binata ang tunay na estado ng kanilang relasyon na pinusuan naman ng mga Kapuso viewers.

Hindi naman diretsong sinagot ni Juancho ang tanong kung totoong engaged na sila ni Joyce, “Engaged po ako sa Madrasta. Ha-hahaha!”

Hirit pa niya, “Si Joyce very supportive siya sa lahat ng ginagawa ko. In love na in love kami sa isa’t isa. Sa totoo lang, sa mga eksena, siya ang pinaghuhugutan ko, e. Inspirasyon ko si Joyce.”

Samantala, sa latest afternoon series ng GMA na Madrasta, gaganap si Juancho bilang si Sean Ledesma, ang nakahiwalay na asawa ng karakter ni ni Thea as Katharine na mai-in love naman kay Audrey to be played by Arra. In fairness, pinalakpakan talaga ng members ng press ang trailer ng Madrasta sa ginanap na mediacon kamakailan.

Napakalaki pala ng production nito base na rin sa mga ipinalabas na eksena, lalo na ang wedding scene nina Juancho at Arra na kinunan pa sa isang bonggang lugar with matching helicopter pa na ginamit ni Thea para manggulo sa kasal.

At siguradong tututukan na naman ito ng mga mahihilig sa serye na may matitinding sabunutan, sampalan at palitan ng mga maaanghang na salita na tagos hanggang buto. Kuwento nga nina Thea at Arra, sa kuwento walang gustong magpaapi at magpatalo dahil parehong palaban ang mga karakter nila.

Bongga rin ang supporting cast ng Madrasta kabilang na sina Manilyn Reynes, Gladys Reyes, Almirah Muhlach at ang 2019 Miss Multinational Philippines (Miss World PH) na si Isabelle de Leon. Kasama rin dito sina Anjo Damiles, Ahron Villena, Kelvin Miranda at Phytos Ramirez.

Simula na ang Madrasta sa Oct. 7 sa GMA Afternoon Prime, kapalit ng Dahil sa Pag-ibig. Ito’y sa direksyon ni Monti Parungao.

Read more...