WALANG pinagsisisihan ang dating Kapuso actress na si Ryza Cenon sa desisyon niyang lumipat sa ABS-CBN.
Maraming nam-bash kay Ryza nang layasan niya ang Kapuso Network pero dinedma lang sila ni dalaga. Sa finale presscon ng The General’s Daughter kung saan gumaganap siyang kontrabida, sinabi ni Ryza na masayang-masaya siya bilang Kapamilya.
“Sa totoo lang, sobrang blessed ko. Parang for me, it’s the right decision na nakalipat ako dito kasi mas lumawak yung mundo ko, ang dami kong natutunan, sa first show ko pa lang yun dito sa ABS-CBN. So, paano pa kapag binigyan pa ako ng ibang show?
“Sabi nga ni Arjo (Atayde, isa sa cast ng TGD), hindi lang sa trabaho pero pati na rin sa life, may matututunan ka sa lahat ng katrabaho mo. So, sobrang blessed, sobrang nagpapasalamat ako sa Dreamscape kasi sila yung unang unang nagtiwala, naniwala sa kakayahan ko bilang artista kaya maraming, maraming salamat po,” chika ni Ryza.
Ine-enjoy din daw niya ang pagi-ging kontrabida sa Kapamilya Network, “Oo, yun nga, nagsunud-sunod kasi, e, so mas tumatak talaga yung pagiging kontrabida ko.
“Yung mga bash nila, parang wala na sa akin tuloy ngayon! Sila na yung binabash ko ngayon, e! Pero as Jessy lang yun, ha. Walang personalan,” chika pa ni Ryza na ang tinutukoy ay ang karakter niya sa TGD bilang si Jessie.