Juday sa Starla: Ako naman ang mang-aalipusta, ang saya!

TELESERYE Queen Judy Ann Santos thoroughly enjoyed doing Starla which marks her return to television after five years.

Sobrang na-enjoy niya ang character niya bilang Teresa, isang lawyer na scheming.

“Siguro ‘yung mga pairap-irap, ‘yung mga pagbabanta, ‘yung mga pagsosopla na pa-English, ‘yung pagiging impakta. Masaya siya, ha! Na-enjoy ko siya, puwede ko siyang ulitin at some point. Hindi siya nakakadala.

“Siguro na-enjoy ko siya dahil ngayon ko lang siya ginawa. Ito lang yata ang teleseryeng ginawa ko na walang sumabunot sa akin, walang pumatid sa akin at walang sumampal sa akin,” she said when we asked her kung ano ang na-enjoy niya sa serye.

“Ito ang teleserye na ako ang sumisigaw, ako ang nang-aalipusta, soyal na pang-aalipusta, hindi siya palengkera. Na-enjoy ko siya. Masaya naman pala ito. At some point nakakapagod na bihis ka nang bihis pero masaya siya,” dagdag pa niya.

Although she enjoyed it, may challenges siyang pinagdaanan sa kanyang character bilang abogadong mataray.

“Pinakamahirap dito ‘yung sa abogado kasi napaka-kritikal ng dialogues nila. Kung tama ba yung English mo, unang-una. Pangalawa, dapat tama ’yung legal terms na ginagamit sa eksena.

“So, du’n ako lalo pinakanahirapan lalo na sa first taping day. I was really struggling kasi I haven’t done a teleserye for five years, so bagung-bago siya para sa akin,” she explained.

Unabashedly, she admitted na wala siyang perfect take noong mga unang araw ng taping, “Naalaala ko, first taping day, wala akong take one. Take four, five, six, kasi it’s either nakakalimutan ko ‘yung linya ko or bibitaw ako sa eksena kasi hindi ko pa siya na-grasp.

“Actually, noong fourth or fifth taping day na, du’n ko pa lang nakukuha yung pagiging kontrabida. Hindi pala siya madali pero masaya siyang ga-win,” she explained.

Read more...