OBVIOUSLY miffed, Derek Ramsay made patol sa isang basher who compared him kay Gerald Anderson.
Nag-react ang basher sa photo ni Derek kung saan kasama niya ang girlfriend niyang si Andrea Torres. Nasa Dubai, United Arab Emirates silang dalawa at makikita sa background nila ng famous Burj Khalifa tower.
“Same feathers with @andersongeraldjr (person shrugging emoji) Ung chuchakin lahat na makatrabaho (face palm emoji),” reaction ng basher.
“Totoo naman… kung di cla nagkatambalan, walang cla…dapat sana trabaho lang, ung ma-ging professional tulad ng ibang actors, dba @ramsaydere07? Pustahan tau, max 3 months lang yan. Libog lang yan,” dagdag pa ng basher.
“Sino sa mga leading ladies ko ang naging gf ko?” sagot ni Derek. “Talaga lang ha, Id love to meet you one day,” dagdag pa niya.
Naku, ano kaya kung magkita ang dalawa? Ano ang possible scenario? Kamayan kaya si Derek ang basher sabay hug? Pangaralan kaya ng actor ang basher niya? Teka, what if sumagot ang basher ng “Papa don’t preach?”
Hindi siguro naiwasan ni Derek na hindi sumagot dahil masyadong below the belt na ang tirada sa kanya.