MARAMING naaawa-nanghihinayang sa isang hunk actor na nadamay sa hindi kagandahang kapalaran ng isang komedyante sa ipinagmamalaki nitong proyekto.
Sabi ng mga miron ay puwedeng ganapin ang karera ng mga kalabaw sa mga sinehang pinagpapalabasan ng pelikula ng komedyanteng may kaangasan ang ugali.
Komento ng isang source, “Kasi naman, e, sunggab lang nang sunggab ng mga projects, kaya ayan, damay pati siya sa flop na pelikula!
“Maganda na sana ang kartada ng career niya, magaganda naman ang kinalabasan ng mga past movies niya, pero ngayon, nganga siya!
“Napasama kasi siya sa isang pelikulang nakalimutan yata ng mga kababayan natin na meron palang ganu’ng movie! Flop! Damay si hunk actor na sige lang kasi nang sige!” umpisang chika ng a-ming impormante.
Sa umpisa pa lang ay hinulaan na ng marami na hindi magtatagumpay ang proyekto ng komedyanteng maagang pinasok ng hangin ang ulo.
Balik-chika ng aming source, “Masyadong feeling ang isang ‘yun! Akala yata niya, e, made na made na siya, kaya kung anu-ano nang kanegahan ang napapansin sa kanya ng mga katrabaho niya!
“Una, iba ang TV, libre lang siyang napapanood, walang bayad sa takilya ang pagtutok sa comedy show niya! Sa pelikula, e, kailangang magbayad ng papasok sa sinehan, mamumuhunan ang tao, kaya ayun!
“Anyare sa ipinagmamalaki niyang pelikula? Waley! Nauna naman kasi ang yabang ng komedyanteng ‘yun!” kumpirmasyon ng aming source.
Bago ipinalabas ang pelikula ng komedyante ay umariba muna ang kanyang kamalditahan. Pinintasan nito ang atake sa pelikula ng isa pang komedyanang magaling umarte at kumanta.
Sabi naman ng isa pang source, “Kabisado na ng marami ang ugali niya, reklamadora siya, marami nang hinahanap kapag nasa set!
“Pintasan ba naman ang pelikula na kasabay ng movie niya, anyare? Kumita ang movie na pinintasan niya, samantalang ang una niyang pagbibida, e, waley!
“Bagay na bagay sa kanya ang name niya! Kaaga niyang nalunod sa isang basong tubig! Dapat nga, e, humble siya, kasi, ngayon lang naman siya nakatikim ng buhay na ni hindi niya natikman nu’ng hindi pa siya nag-aartista!” pagtatapos ng aming source.
Wala nang clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this! May iba pa ba?