Gera ng LGUs versus rice cartel simula na

MATAPOS ipatupad ang rice tarrification law, dapat ay bumabaha na ang murang bigas ngayon sa merkado. Dahil sa sobra-sobrang importasyon ng bigas, inaasahang aabot ng P15-bilyon ang makokolektang buwis ng gobyerno pagdating ng Disyembre.
Nitong Agosto, u-mabot ito sa P9.2 bil-yon.
Sa kabila nito, lu-mabas ang mga balitang masyadong maliit ang ibinabayad ng mga “rice middlemen” sa inaaning palay ng ating mga magsasaka. Sa kabila ng deklarasyon ng National Food Authority at Department of Agriculture na P17 bawat kilo ng palay, nasa presyong P7 hanggang P9 kada kilo lang ang alok ng mga local millers. Ika nga, talo pa sa puhunan ang mga rice farmers na P12/kilo.
Kung susuriin, talagang binabarat ng mga rice middlemen ang a-ting local na magsasaka. Ito’y para makontrol nila ang presyo at suplay ng bigas sa ating pami-lihan ng ilang dekada na nilang ginagawa.
Noon, NFA ang nag-iimport ng bigas, binarat din nila ang farm gate prices at kontrolado ang supply. Ngayon, rice cartel ang nag-iimport, gusto pa rin nilang hawakan ang suplay ng local rice farmers.
Pero, nag-iba na ang sitwasyon ngayon matapos kunin ng DA ang tulong ng mga local go-vernment units para labanan ang “rice cartel” sa pamimili ng local na palay.
Tatlumpung gobernador mula Nueva Ecija, Isabela, at sa iba pang “rice provinces” sa Central Luzon, Ilocos Region, Cagayan Valley at Cordillera ang nakikipagtulungan ngayon.
Ang Nueva Ecija ay nagsimula nang bumili ng fresh palay sa pres-yong P15/kilo samantalang sa Isabela ay u-mabot na sa P19/kilo.
Meron ding ulat na umabot na sa P25/kilo ang bilihan ng palay mula sa mga magsasaka natin.
Dahil dito, matatapos na rin ang matagal nang pambabarat ng mga rice cartel sa ating local farmers at pagkontrol nila sa suplay ng bigas sa mga palengke.
Noong araw kasi, hindi pumapayag ang NFA na makialam ang mga pulitiko dahil sa corruption. Pero nga-yon, si Agriculture Secretary William Dar ang nagtulak at tinanggap naman ito ng mga pulitiko.
Sa Nueva Ecija, nagtayo sila ng P200-M palay procurement fund para labanan ang pambabarat ng rice cartel. Meron din sa Isabela at Cagayan kayat nakikita natin ang senyales na pwedeng idaan sa mga pulitiko ang pagbili ng palay ng mga botante nilang local farmers. Mahirap ding mangyari ang corruption dahil politically accountable ang mga gobernador o mayor dahil haharap sila sa eleksyon.
Matapos bumili ang mga LGU ng mula P15 hanggang P25/kilo ng bigas, agad-agad, nawala na ang mga ba-litang baratan na P7-P9.
Hindi rin makaporma o lumaban ang mga rice millers o middlemen dahil ang mga business permits nila ay hawak ng mga pulitiko.
Sa kabuuan, uunlad ang buhay ng mga local farmers kung magiging mas mahal ang palay farm gate prices. Sa presyong P25/kilo ng palay, halos doble ang kita ng mga magsasaka.
Sa atin namang mamimili, ang im-plikasyon nito ay mas murang presyo ng bigas sa mga palengke. Ang imported rice ay maibebenta ng P30/kilo at siguradong tubo na ang mga Importer.
Ang mas mahal na local rice ay maari namang isuplay sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng Department of Social Welfare and Development at kahit sa mga local governments.
Mga bagong pangyayari na dapat lang bantayan nang husto.
At simula ngayon, obserbahan natin ang gagawin ng mga rice cartel.

Read more...