Hiling ng fans nina Barbie at Jak tinupad ng GMA 7

JAK ROBERTO AT BARBIE LAFORTEZA

WISH granted! Yan ang sigaw ng mga fans nina Barbie Forteza at Jak Roberto matapos dinggin ng GMA 7 ang kanilang hiling.

Muling magtatambal ang reel and real life couple sa second episode ng month-long drama anthology na Wagas, ang “Wait Lang…Is This Love?”

Magsisimula na ngayong araw bago mag-Eat Bulaga, iikot ang kuwento ng “Wait Lang…” sa buhay ni Yummy Bubuyog (Barbie), isang 21-year-old na dalaga na hindi pa nagkakaroon ng boyfriend.

Choice niya ang maging “no-boyfriend-since-birth” dahil na rin sa dalawa niyang tiyahin na galit sa mga lalaki at sobrang istrikto na gagampanan nina Yayo Aguila at Tina Paner. Ang mga ito na ang tumayong magulang kay Yummy mula nang mamatay ang kanyang ina.

Ngunit lingid sa kaalaman ng kanyang mga tiyahin, matagal na siyang may crush kay Eugene (Jak), ang all around boy sa kanilang negosyong Walang Ka-Pares. Ang hindi alam ng dalaga, nade-develop na rin ang binata sa kanya.

Biglang magbabago ang takbo ng buhay nina Yummy sa pagdating ng mayamang realtor na si Rex (Ray PJ Abellana) at ng pamangkin nitong si Cedrick (Kristoffer Martin).

Nang masilayan ni Cedrick ang ganda ni Yummy, talagang ipinaramdam agad nito ang kanyang feelings kaya naman biglang matetensyon ang dalaga sabay tanong sa kanyang sarili ng, “Is this love?”

Yan ang sasagutin sa latest funny, and heart-warming story ng Bubuyog family sa Wagas Presents Wait Lang…Is This Love? simula ngayong umaga before Eat Bulaga on GMA 7.

Read more...