‘HLG’ ng KathDen hahataw sa Cannes’ 2019 MIPCOM

ALDEN RICHARDS AT KATHRYN BERNARDO

IBIBIDA ng ABS-CBN ang highest-grossing Filipino film of all time na “Hello, Love, Goodbye” sa Cannes, France para sa 2019 MIPCOM, isang pagtitipon ng movie producers at ibang propesyonal sa larangan ng pelikula.

Matatandaang nakapagtala ang pelikula na pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ng worldwide gross na P880 million. Pinuri rin ito ng mga manonood at movie critics dahil sa magandang takbo ng kwento at sa husay ng pag-arte ng cast.

Kabilang sa mga ibibida pang programa ng Kapamilya Network sa Cannes, France ang Kadenang Ginto at Sino Ang May Sala? Mea Culpa.

Isang taunang trade event sa France ang MIPCOM, kung saan nagtitipon ang content producers, buyers, financiers, at distributors sa larangan ng entertainment at advertising sa buong mundo.

Read more...