Alam n’yo ba na siya mismo ang nagde-deliver ng items sa kanyang customers kapag may time siya at walang taping para sa Kapuso afternoon series niyang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.
Sa bagong video na ipinost ni Kris sa YouTube makikita ang pagsakay niya sa jeep sa bandang Welcome Rotonda para mag-deliver ng 50 lipsticks sa isa niyang reseller.
“Ngayon may surprise delivery tayo pero to the next level na kasi magko-commute ako. Ita-try kong mag-jeep na matagal ko nang hindi nagagawa,” kuwento ni Kris.
Tuwang-tuwa naman ang mga kapwa pasahero ni Kris nang makita siya sa jeep. Dito, kinausap din niya ang barker ng pampasaherong sasakyan na tumatawag ng iba pang mga pasahero.
Dagdag pa ni Kris, “Sa totoo lang hindi ito ‘yung first surprise delivery ko. Siguro marami na akong nagawa, mga five to eight – surprise lang ‘yun. Kasi kapag Quezon City, madalas pinupuntahan ko rin.”
Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang paghahasik ng lagim ni Naomi (Kris) sa horror-suspense-drama na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko para maagaw muli si Matteo (Rayver Cruz) kay Yvie (Megan Young).
Wala nang sasayanging panahon ang naghihiganting multo para maisakatuparan ang kanyang planong paghihiganti. Gamit ang katawan ni Katya (Kim Domingo), magtagumpay na kaya si Naomi sa pang-aakit kay Matteo? Ikakagulantang n’yo ang gagawing resbak ni Yvie laban kay Naomi!
Napapanood pa rin ang Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko after Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.