Yeng gumawa ng kanta tungkol sa ‘socmed trauma’

YENG CONSTANTINO

NAKAGAWA pala ng kanta si Yeng Constantino base sa naging “traumatic experience” nila ng kanyang asawa noong magbakasyon sila sa Siargao.

Ayon sa Kapamilya singer-actress, na-inspire siyang isulat ang kanta matapos makaranas ng grabeng pamba-bash sa social media dahil sa ipinost niyang reklamo laban sa ospital na pinagdalhan sa mister niyang si Yan Asuncion nang maaksidente sa Siargao.

Sa nakaraang presscon ng bagong pelikula ni Yeng, ang “Write About Love” under TBA Studios, ibinalita ni Yeng na very soon ay iri-release na ang bago niyang album.

“I worked with my idol again. Si Raimund Marasigan of Sandwich. So ipinrodyus niya itong EP. First time kong gagawin na parang six tracks lang ‘yung album. And pinarinig ko na sa manager ko ‘yung ni-record namin.

“Ayun, medyo mas dark ‘yung sound. Mas ambient. Tapos masasabi ko na ito ‘yung pinaka-experimental ko na album ever. So makakarinig sila ng iba’t ibang sounds. Kapag pinakinggan niyo ‘yung album sobrang iba. Ganda,” aniya.

At dahil nga sa most “traumatic” moments of her life na nangyari sa Siargao, “May one song doon. ‘Yung na-experience ko recently sa social media, meron akong kanta dito. ‘Yung sa healing process ko. Pero may mga songs din ako from way back. Mga January ko start sinulat. Iba-iba.

“Sabi ni Kuya Jonathan (Manalo) of Star Music, kasi napakinggan na niya ‘yung album. Sabi niya saken nagustuhan niya ‘yung writing ko this time. So it’s different from doon sa mga sinulat ko in the past,” lahad pa ni Yeng.

“Dito yung poetry ko iniba ko, tsaka ‘yung storytelling mas pictures kung ano ‘yung nasa mind ko. So it’s different. Natutuwa ako kasi si Jonathan napakagaling na songwriter and nagustuhan niya ‘yung the way I write dito sa kanta na ‘to,” aniya pa.

Si Yeng din ang kumanta ng official soundtrack ng latest offering ng TBA Studios na “Write About Love,” ang pinasikat na hugot song ni Jolina Magdangal na “Kapag Ako Ay Nagmahal.”

“Wala akong ginawang version. Siyempre ‘pag nagwo-work ka sa song na iconic, magre-rely ka sa producer, eh. So, very acoustic and tapos ma-airy lang. Mahangin lang na pagkanta. ‘Yung beginning ng song na mas kalma, ganun,” sey pa ni Yeng.

Makakasama rin sa “Write About Love” sina Rocco Nacino, Miles Ocampo at Joem Bascon. Showing na ito very soon.

Read more...