How true ang nasulat sa isang website na gagampanan ni Sen. Manny Pacquiao ang role bilang General Miguel Malvar sa isang movie?
Si General Malvar ay naging bahagi ng Philippine Revolution at ng Philippine-American War.
Sinasabing si Jose “Kaka” Balagtas ang napili to direct the movie, “According to its director, the film will be shot at the Fr. Pio National Shrine owned by the Malvar family and in Bay Laguna, a 40-hectare lot allocated for the establishment of the Malvar Ecumenical and Film World Center.
“The film is said to be one of the biggest films this year with a P100-M budget under JMV Production. Direk Kaka and Manny have already worked together before on several projects.” ‘Yan ang nakasaad sa report ng isang website.
Sadly, may mga naloka sa report na ito. Para raw kasing pinasok na lahat ni Sen. Manny. Mula boxing ay pumasok ito sa politics at nag-artista na rin. Hindi siguro nila na-remember na nakagawa na ng ilang movies ang senador.
“Ay dyusme! Magfocus na lang sa senado. Halos lahat gusto mong pasukin tuloy yung work mo sa senate apektado dahil pala absent ka.”
“Ewan ko lang madami ako gusto sabihin pero senator naman sya & i believe na alam naman nya ginagawa nya pero kung minsan yung over confident ka medyo di rin maganda.”