NANG mapagkuwentuhan ang pagkakaroon ng breeding sa isang malaking umpukan ng mga manunulat ay ang dami-daming pangalan ng mga personalidad na lumutang na wala nu’n.
Ang dami-daming artistang kapos na kapos sa breeding, mukhang napabayaan sila ng mga gumagabay sa kanila, kaya wala sa ayos ang kanilang ugali.
Sabi ng isang miron sa umpukan, “May mas titindi pa ba sa isang female personality na kung makaasta, e, akala mo naman may napatunayan na?
“Siguro, lumaking sobrang spoiled ang babaeng ‘yun, kasi, palaging lihis sa kagandahang-asal ang mga ginagawa niya.
“Siya ‘yung female personality na minsang inireklamo ng isang veteran actress sa kasamahan niyang may edad nang artista. Kasi nga naman, wala siyang respeto sa mga kasamahan niyang beteranong artista.
“Napakahirap ba naman kasing bitiwan ang salitang hello po, sabay beso? Napakadali nga namang gawin nu’n bilang pagpupugay, pero wala sa bokabularyo nu’ng female personality ang ganu’n!
“Kaya kita n’yo naman, lumalabas ang naturalesa niya, dala-dala niya sa pag-aartista niya ang kawalan ng breeding. Taklesa na siya, e, negang-nega pa ang mga pinaggagagawa!
“Isnabera siya sa mga kasamahan niyang artista, sobrang feeling, akala mo naman may poste na siya sa industriya, e, walang-wala pa naman!
“Huwag muna niyang problemahin kung paano magkakalaman ang katawan niya dahil sa sobra niyang kapayatan. Unahin niya munang pag-aralan ang pagrespeto sa mga kapwa niya artista at sa mga taong nakakasalamuha niya!” unang kuwento ng aming impormante.
Paano raw kaya kapag nagkasama ang patpating female personality na ito at ang isang kilala sa pagiging isnabera ring female personality? Puputok daw kaya ang mga bulkan?
Isang impormante naman sa umpukan ang nagkomento, “Naku, bagay na bagay sila ng babaeng ‘yun na katulad din niyang kailangang makipagkilala sa salitang breeding!
“Kapag nagkasama sila, e, siguradong magkakasalpukan sila, walang magpapatalo sa kanilang dalawa!
Sigurado ‘yun!” sabi nito.
Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, alam na this! Siguradong matutumbok n’yo kung sinu-sino sila!