Angelica nagreklamo na sa tindi ng trapik: Ganito na lang, walang care ang gobyerno

ANGELICA PANGANIBAN

Sunud-sunod ang aria ni Angelica Panganiban tungkol sa malalang problema sa traffic.

“Question… tatanggapin na lang ba natin ang sistema ng traffic ng bansa natin?

“So yung buhay natin, kalahating naubos sa kotse, kalahating stressed?

“Tapos, walang care yung government? Naglalakad lang ba sila papuntang work? Or nakakalipad sila nang hindi natin alam?

“Tao tayo. Mamamayan tayo. Bakit walang choice? Bakit mo tatanggapin ang hindi tama? In this life time hindi tayo aalma sa traffic?”

That was Angelica’s aria sa Twitter. Marami ang nag-react sa kanyang hanash.

“Sana maraming kagaya mo na may boses at may lakas loob. Dami kasi na masyadong comportable na ang buhay – wala na lang silang pake.”

“Admit it or not. Walang pakialam ang mga nasa pwesto sa kapwa nila Filipino. Sarili nila ang priority nila especially yung mailalagay nila sa bank account nila.”

“Wala naman silang pakialam sa tao. Keso ganito ganyan potah puro kayo pagawa ayusin nyo muna yung traffic. Bawasan nyo ang sasakyan sa Metro Manila.”

“Tingin ko naman may ginagawa ang gobyerno, unfortunately mahirap talaga, at kailangan kasi ng kooperasyon ng lahat kahit wala ako dyan I can feel the agony. Still praying na after all the infras and measures being made may magbabago.”

So, bakit hindi naso-solve ang problema sa trapik? It is because there is too much vehicles in this country dahil pababaan ng down payment ang pagkuha ng bagong car. Hindi nadadagdagan ang mga daan kaya lalong lumalala ang traffic problem. Marami ring car owners ang ginawang paradahan ang mga kalye, double parking pa.

Read more...