Miles bagong ka-loveteam ni Rocco: Witty siya, masayang kasama

ROCCO NACINO AT MILES OCAMPO

Isa si Rocco Nacino sa mga Kapuso stars na maswerteng nabigyan ng chance na makatrabaho ang mga Kapamilya artists.

Bida ang hunk actor sa upcoming romcom film na “Write About Love” directed by Crisanto Aquino, under TBA Studios. Kasama niya rito sina Miles Ocampo, Yeng Constatino at Joem Bascon.

“Nakakatuwa lang na sa isang proyekto kami magsasama-sama at itinuturing kong isang barkada. It was fun being at out of the box, it was fun being in a different territory kasi nag-establish ako ng rapport sa lahat pati sa production,” sabi ng aktor.

Tungkol naman sa ka-loveteam niya sa movie na si Miles, “Witty siya. Ang layo ng age gap namin pero sabi ng mga executives bagay daw kami and it actually worked in a non-malicious way.

“Tina-try kong makipagsabayan sa mga joke niya. Kadalasan talo ako. Hindi s’ya nauubusan ng jokes kaya nakakatuwa siya kasama,” aniya pa.

Read more...