Alex Gonzaga inokray ng basher: Ang arte mo, galing ka rin naman sa hirap!
WALANG sawa ang TV host-actress-vlogger na si Alex Gonzaga sa pagresbak sa mga bashers niya sa social media.
Isang netizen na naman ang pinatulan ni Alex matapos siyang batuhin ng masasakit at malilisyosong salita. Ito’y may konek pa rin sa umano’y pang-iisnab niya sa mga Kapuso stars na sina Ken Chan at Rita Daniela sa airport ng Davao City.
Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ni Alex ang screenshot ng mensahe ng kanyang basher at ang sagot niya rito.
“Ang arte mo galing ka naman sa hirap! Kundi ka lang naman naging vlogger wala kang chance sa showbiz!
“Wala kang fans sa lahat ng naging show mo unlike si rita at ken! Naniniwala na talaga ako na may ugali kayong magkakapamilya!
“Lagi na lang kasing may balitang ganito sa inyo e!!!” ang pang-ookray ng netizen kay Alex kung saan naka-tag pa ang direktor na si Paul Soriano, asawa ng kapatid niyang si Toni Gonzaga.
Ito naman ang sagot ni Alex sa kanya, “Next time ang galit mo sa buhay wag mo masyado ilabas sa comment section.”
“I hope next time you won’t tag my bro in law and don’t involve my family too sa pagiging gullible mo.”
Dagdag pa niya, “I am proud that yes we may not be rich when we were young but we worked hard as a family and i am thankful vlogging came into my life coz it made me be a blessing to a lot of people.
“Vlogging should not be a derogatory term.”
Nauna nang dinenay ng singer-actress ang akusasyon na dinedma at inisnab niya sina Ken at Rita nang lapitan siya ng magka-loveteam sa airport.
Aniya, nag-hi naman daw siya sa dalawang Kapuso stars.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.