HINDI pa humuhupa ang galit ng fans ni Alex Gonzaga kay Lolit Solis.
Pati sa sariling Instagram account ay lait ang inabot niya. Walang patawad ang bashers, talagang kulang na lang ay murahin nila si Lolit.
Say ng bashers, gamit na gamit nina Ken Chan at Rita Daniela si Alex dahil sa pasabog na issue ni Lolit. May bago kasing teleserye ang dalawa at nataon sa promotion ng serye ang snubbing issue na pinasimulan ni Lolit.
“Hi Inay. Hahahaha! Galing mag promote ah. Goodluck sa mga alaga mo nay! tanda muna pero tumatanda kang paurong. Chismiss pa more nay.”
“Sino ba yang source mo? Santo ba yan hindi nagsisinungaling? Eh chismosa din yan malamang kagaya mo na walang alam. Magbagong buhay ka na!”
“Sobrang chismosa at manggagamit para lang mag promote!!! Magdasal na lang ho kayo kesa mag imbento ng kung ano ano!”
“Mukha namang pera talaga yang matandang yan! Malapit na mag Pasko make love not war hahahaha!
Tandaan niyo hindi kayo papansinin ni Alex dahil wala hong kwenta ang content niyo. Kahit anong post mo hindi ka niya papatulan. Sino ba nag mumukhang shunga sa inyong dalawa eh diba ikaw? Hahahaha.”
“Ano yan promotion dahil may ganap sila. Bakit di ka gumamit ng talent ng GMA para sa promotion nila.
Ikinabit mo name ni Alex para siguradong mapapag usapan sila. Panahon pa ng hapon yung storya talagang hinalungkat mo pa. So ngayon akala mo naman mababago pananaw ng tao lalo na yung mga taong nananalangin na sana mawala ka na sa mundo. Bakit di mo gayahin c Boy Abunda na sobrang nirerespeto.”