Yeng na-trauma: Kapag nakikita ko ang logo ng YouTube, FB, kinakabahan ako

YENG CONSTANTINO AT JOEM BASCON

NA-TRAUMA si Yeng Constantino sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ng asawang si Yan Asuncion sa Siargao, halos tatlong buwan na ang nakararaan.

Inamin ng Kapamilya singer-actress na natatakot at inaatake siya ng nerbiyos kapag nakikita niya ang logo ng YouTube, Facebook at Twitter dahil nga sa matinding pamba-bash na nakaranasan niya matapos mag-post ng mahabang mensahe sa kanyang social media accounts tungkol sa aksidenteng kinasangkutan ng asawa habang nagbabakasyon sa isang resort sa Siargao.

Nakausap ng officers and members ng Society of Philippines Entertainment Editors (SPEEd) at ilan pang showbiz reporter si Yeng sa media launch ng bago niyang movie, ang “Write About Love” under TBA Studios.

Ayon kay Yeng, maayos na ang kundisyon ng asawa, “After the Siargao accident, mas nag-pursue siya ng healthier na lifestyle. Parang sabi niya, ‘ang short ng life,’ so parang gusto niya mag-marathon siya. First, nag-10 kilometer (run) siya sa UP and then sa Mall of Asia tumakbo siya ng 21 kilometers, first time niya ever. So nakakatuwa naman to see him flourishing.”

Dagdag pa ng singer, hindi niya inakala na magiging ganu’n katindi ang impact ng ipinost niyang reklamo sa socmed, “It’s my first time to be bashed that much, so na-culture shock ako. Pero sobrang hilig ko sa social media. After what happened to me, sobra akong na-homesick rin kasi nami-miss ko na ang social media pero I decided to stop for a while.

“Minsan kasi akala mo, kaya mo. Pero I just want to be honest kasi hindi ko pala kaya ‘yun. Kapag nakakakita ako ng YouTube, ng Twitter logo, ng Facebook minsan kinakabahan ako. Sinabi ko ‘yun sa psychologist sa Magandang Buhay. ‘Alam niyo po ‘pag nakakakita ako ng logo ng YouTube, Twitter at Facebook, kinakabahan ako.’ Sabi niya, ‘Maganda ‘yan ginagawa mo na nagpapahinga ka, kasi nagulat ka e,'” kuwento pa ni Yeng.

Pagpapatuloy pa niya, “Matagal na po ako sa industry. It’s been 12 years and at times you feel like you’re so strong. ‘Pag isa-isang bash, wala kang reaction, pero ‘pag dumating pala, parang, what? Bulto talaga, so parang hindi mo alam anong gagawin mo. So you’re being vulnerable siguro. I really felt so sad and also shocked. Social media is really powerful.”

Samantala, speaking of “Write About Love”, inamin ni Yeng na first time niyang magkakaroon ng “kissing scene” sa pelikula kaya nagpaalam talaga siya sa asawa. Makakatambal niya rito si Joem Bascon.

Pumayag naman daw si Yan, “Tsaka hindi naman torrid yung kiss, parang smack lang. Napaka-gentleman naman ni Joem kaya hindi naman nakakailang. And kailangan talaga siya sa story.”

Very proud naman si Yeng napasama siya sa nasabing pelikula ng TBA Studios (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment and Artikulo Uno Productions), na siya ring gumawa ng mga blockbuster hits na “Heneral Luna,” “Goyo” at “Birdshot.” Nag-audition daw talaga siya para sa role at swerte namang siya ang napili. Bukod kay Joem, makakasama rin niya rito sina Miles Ocampo at Rocco Nacino.

The film is co-written and directed by Crisanto Aquino in his directorial debut with music helmed by Jerrold Tarog. Ipakikita sa movie ang iba’t ibang klase ng love kaya siguradong makaka-relate ang lahat, mula sa mga millennials hanggang sa mga feelenial.

Prior to “Write About Love,” Cris Aquino is known for being the country’s most sought after 1st Assistant Director and has worked with the likes of directors Chito Roño, Olivia Lamasan, Rory Quintos, Laurice Guillen, Cathy Garcia-Molina and Jerrold Tarog.

Malapit na itong mapanood sa mga sinehan nationwide.

Read more...