Hit na hit ang pagrampa ng mga ka-look-alike ni Super Tekla sa ginanap na red carpet premiere ng comedy movie niyang “Kiko en Lala” last Monday.
May isa pa ngang contestant na talagang kamukhang-kamukha ni Tekla kaya ang biro ng TV host-comedian para silang pinagbiyak na bunga, huh!
Pero ang isa sa most touching eksena sa premiere night ay ang presence ng anak niyang babae. Kahit kasi hindi sa kanya lumaki ang bata at laging ang ina nito ang laging kasama, proud pa rin ang kanyang anak sa lahat ng achievements niya.
Bukod sa pa-contest ni Tekla sa premiere night ng “Kiko en Lala”, talagang tawang-tawa ang mga nanood sa launching film ng Kapuso comedian kung saan gumaganap siyang kambal tuko na pinaghiwalay ng tadhana pero isa lang sa kanila ang pwedeng mabuhay.
Patok din sa mga nakapanood na ng pelikula mula sa Backyard Productions ang mga eksena nina Tekla at Derrick Monasterio na talagang pa-yummy ang peg bilang love interest ni Lala at ang kilig moments nina Tekla at Kim Domingo.