Akting ni Alden simple pero rock; Jo Berry ayaw patalbog

ALDEN RICHARDS AT JO BERRY

Sa gabi-gabi naming pagtutok sa seryeng The Gift na pinagbibidahan ng Box-Office King na si Alden Richards ay marami kaming napapansin.

Natural, una na ang talagang malaking pagbabago sa pagganap ng Pambansang Bae, simple lang ang kanyang acting pero rock sabi nga ng mga kaibigan namin.

Pero mas napapansin namin si Jo Berry na dati na naming nasisilip nu’n sa seryeng Onanay na kasama ang Superstar na si Nora Aunor. Silip-silip lang ‘yun, hindi pagtutok talaga, na nagagawa namin ngayon sa The Gift.

Sinserong umarte si Jo Berry na gumaganap na ina-inahan ni Alden, magaling siyang umarte, kayang-kaya niyang itawid ang isang eksenang sa kanya talaga ang tutok ng mga camera sa kanyang pagmo-monologue.

Maliit na naturingan si Jo Berry pero ang kanyang talento sa pag-arte ay napakalayo ng nararating. Alam niya ang kanyang camera, alam na alam niya ang kanyang ginagawa, may konbiksiyon ang kanyang pagdadayalog.

Napakasarap sa pakiramdam ng mga ampon ang mga ipinakikitang pagmamahal at malasakit ni Jo Berry kay Alden. Handa siyang mamatay para sa kanyang anak-anakan.

Pero nandu’n palagi sa kanyang puso ang isang nakakatakot na senaryo na paano na kapag iniwan siya ni Joseph dahil nakita na nito ang kanyang tunay na magulang?

Totoong-totoo ang ikot ng kuwento ng The Gift, ganu’n ang nararamdaman ng mga taong nagmahal at nagpalaki sa kanilang mga anak na hindi nagmula sa kanilang sinapupunan, kundi hinugot sa kanilang puso.

Read more...