Kilalang female star baliw na baliw kay macho actor; da best magpaligaya sa kama

MARAMI nang nakarelasyon ang isang kilalang female personality, lahat ng nakaraan niyang pakikipag-boyfriend ay lantad sa publiko, pero meron siyang naka-soulmate na hanggang ngayon ay hinahanap-hanap pa rin niya.

Wala silang commitment sa isa’t isa. Basta kapag nami-miss nila ang bawat isa ay nag-uusap sila, nagkikita sa isang pribadong lugar, du’n nagaganap ang napakasarap nilang pagbiyahe sa langit-langitan ng kaligayahan.

Kuwento ng aming source, “Meron palang ganu’ng klase ng set-up? ‘Yung wala silang relasyon, wala silang commitment, pero mas matindi pa sa magkarelasyon ang nangyayari kapag nagkikita sila!

“Imagine, may girlfriend na ‘yung male personality, ‘yung girl naman, e, nakikipagrelasyon din sa iba, pero ang the best pa rin para sa kanya, e, ‘yung male personality!” unang chika ng aming impormante.

Maraming dahilan kung bakit hanggang ngayon ay itinuturing pa ring the best ng female personality ang macho actor. Sa lahat daw ng anggulo ay talagang walang makatatalo sa hunk actor.

Patuloy ng aming source, “Naku, kapag nalaman n’yo kung bakit ganu’n na lang ang pagkasabik ng girl sa hunk actor, e, isa lang ang masasabi n’yo–kaya naman pala!

“Matindi raw kasing magpaligaya ang hunk actor, talagang ikinukundisyon niyang mabuti ang girl, hindi siya makasarili, ang babae muna ang pinaliligaya niya!

“Ang sandata kuno ng hunk actor, e, talaga namang panggiyera! Hindi taga-Duty Free Philippines, kumpirmadong taga-Dakota Harrison siya, kaya wala nang mahihiling pa ang kahit sinong babaeng makakasama niya sa bed.

“Hanggang ngayon, siya pa rin ang ine-emote ng girl, basta miss na miss na niya ang guy, e, nagpaparamdam siya. Pero mukhang umiiwas na sa kanya ang male personality ngayon!

“Mukhang iba na ang pinagkakaabalahan ng guy, hindi na kasi niya napagbigyan ang female personality na talagang itinuturing siyang the best sa lahat ng nakasama niya sa kama.

“May korona sa ulo ang girl, ang male personality naman, e, machong-macho talaga ang dating, kapangalan niya ang maraming aktor, may singer din siyang kapangalan na sumikat nu’ng 70’s, pero ang pinakamatinding clue, e, kapangalan niya ang title ng isang seryeng pinagbidahan nu’n ng isang sikat at guwapong male personality,” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo nang sigurado kung sinu-sino sila, promise!

Read more...